Skip to content

Salamat sa lahat…

January 19, 2010

Alam ko medyo kalagitnaan na ng Enero. Actually, plano ko dapat mag-blog upang magpasalamat sa marami bagay na nangyari sa kin noong nakaraang taon. SO… without further ado, eto na.

Una… thank you kay Lord dahil sa maraming blessings na binibigay n’ya pa rin para sa king pamilya. Alam ko di ko ito matutumbasan ng kahit ano except for prayers lang and kung may chance ay pag-serve sa mass (kami ni Kaye ay cantor para sa salmo responsorio).

Pangalawa… salamat sa mga bumati sa kin sa aking birthday noon nakaraang buwan. Di man magarbo o kakaiba, makabuluhan s’ya sa kin ng sobra dahil kasama ko ang pamilya ko para i-celebrate s’ya ng matiwasay. Sorry kung ngayon lang ako makapagtenkyu kaya magmention na ko now — to my sis Ateyet, Mama ko, Papa ko, my darling Kara, Papa Melo, Mami Minda, Kuya Anne at sa butihing bf nit I o na si Onid, Iah (pinsan ko), Tita Meh, Tito Eric, at mga nakaalalang friends ko na nagtext, Karen, Ara, Genesis, Ai at ang future bayaw kong si RG (naks! actually magiging bunsong kapatid ko sya hehehe!) plus yung mga friends ko pang nagpost sa FB at lahat ng mga dablogkarda — daghang salamat sa inyong tanan! Pinataba nyo ang puso ko ng sobra sobra ng inyong pagbati! I love you all!

Pangatlo… salamat sa bagong trabaho kong pinapasukan ngayon. Nangangapa man ay alam kong katagalan ay kakayanin ko rin ito. Besides, alam ko si Kaye ay nakaantabay lang para ako tulungan. Medyo major shift for me kasi from copywriting ay mayroon na rin akong PR work, if not most of the time, yun ang gagawin ko. Basta, pagbubutihin ko na lang ‘to and I know I would eventually excel din sa bago kong trabaho later on.

And lastly, everyday na ako’y magpapasalamat sa aking Kaye na s’yang nagbibigay sigla at kahulugan sa aking bawat pagkilos sa mundong ito. Siguro iba talaga ang feeling ‘pag sinasabing sayong sayo na talaga s’ya. Oo talagang sa kin s’ya and am proud that nandun ako for her sa lahat ng kanyang pangangailangan. Sa lahat ng mga pagsubok, kasiyahan, di pagkakaintindihan, kulitan, kataimtiman, at pagmamahalan, ako’y taas-kamay na humahanga sa kanyang paninindigan at katibayan ng loob sa lahat ng aming nadaanan at dadaanan pa ng sabay sa darating pang mga taon. But most of all, sa pagkakaloob ng Diyos sa amin ng tatlong napakahalagang regalo sa buhay — si Kara, Jeremy at Cassie — wala na akong hihilingin pang kapalit sa D’yos dahil kinompleto na n’ya ang pinagka-asam-asam simula’t sapul. Sa ‘yo Be, maraming salamat at di ko ikahihiyang sabihin na Mahal na Mahal Kita ng sobra sobra!

Muli, Happy New Year sa ‘ting lahat at nawa’y maging masaya ang ating buhay ng buong taon!

Pahabol lang: Ma, Happy Birthday! (as in ngayon tlaga birthday n’ya that’s why I wanted lang a special mention of her here.) I LOVE YOU VERY MUCH and thank you for being my Mama!

Advertisements
52 Comments leave one →
  1. January 19, 2010 12:50p01

    Woohoo Base!!! Heehehhehe
    Sa dami ng pagsubok, mas madami pa tayong ipagpasalamat sa Diyos na Dakila.
    Maraming salamat din sa iyong pagbabahagi, toks. Maraming salamat din na maayos na ang kalagayan ng iyong Be. hehehehe
    Hanggang sa muli……

    • January 20, 2010 12:50p01

      salamat Toks! basta alam kong andyan kayo para sa kwentuhan sulit na yun! salamat ulit sa prayers for Kaye during her surgery.

      sana kitakits na soon! kahapon lang nag-DQ kami ni Kaye sa festival mall. sarap!

  2. January 19, 2010 12:50p01

    Akala ko artista na nagpapasalamat sa mga sponsors. hahaha.

    blessed ka talaga Bongkie.

    I thank you also.

    P.S. May score na ang iyong pagsusulit. Nasulit kaya?

    • January 20, 2010 12:50p01

      heheh artistahin ba ang dating? di naman. ako pa rin ‘to. am just a boy who continuously falls for a girl that i married 5 years ago…

      salamat J.Kul sa iyong pamamalagi dito. sana wag kayo magsawa sa pagtamabay.

      sige mamya tignan ko score ko sa bloghay mo. hehehe sana perfect nyahahah i wish! 😀

  3. kaye permalink
    January 19, 2010 12:50p01

    dami na nga nating napagdaanan. At gaya ng sinabi ko sayo the other night, kahit anung mangyari, maging masaya o magkagalit man tayo, ikaw pa rin ang sobrang love ko. Di nga kita kayang tiisin e. Love you, dad.

    • January 20, 2010 12:50p01

      at alam ko na mahabang mahaba pa ang tatahakin natin sa buhay, may it be dito sa Pinas or kung matuloy man tayo this year sa Australia. But I am happy kasi alam ko ikaw at ang mga bata ang kasama ko. thank you lagi Be, at simula pa noon, nung sinulatan mo ko na basta di tayo bibitaw sa isa’t isa, at sa gabay ni Lord, I know we will always be strong and remain strong for years to come… ditto 🙂

  4. January 19, 2010 12:50p01

    Aww. Kinikilig po talaga ako sa inyo ni Ate Kaye. Yiheee~~~

    Wow. Happy birthday to your Mom! 🙂

    • January 20, 2010 12:50p01

      hi aina! happy new year! and thanks for the greeting! sorry di pa ko nakadalaw ulit sa yo. dibale try ko later.

      kilig ba? hehehe ako rin! si ate Kaye mo kasi yun e! kaya ganun! 😀

  5. January 19, 2010 12:50p01

    Ang sarap magsilbi talaga kay Lord. At ayun talagang bumubuhos ang blessings.

    At wala na akong masabi sa inyong pag-iibigan…sinabi na ni Kaye sa itaas.

    God Bless you & your family always!

    • January 20, 2010 12:50p01

      hi Tay! talagang masarap magsilbi kay Lord lalo pa’t you enjoy it. kaya siguro last year kahit maraming pagsubok, marami pa rin blessings ni Lord sa kin and sa family ko.

      Heheh! Sa totoo lang Tay, yung sa inyong naranasan ang isa sa mga di ko malilimutang example ng wagas na pag-ibig. at d’yan ako sobrang hanga sa inyo.

      God bless po! at ingat po lagi. teka, malamig pa rin po ba d’yan? at least may malong kayong pang-alis ginaw hehehe!

      • January 21, 2010 12:50p01

        Salamat Bong…medyo okay lang ang lamig…pero parang may bagyo ngayong linggo…medyo maulan…pero walang sinabi ang ulan dito kumpara diyan sa atin.

        Haha nabanggit mo ang malong…talagang laging nakapulupot sa akin ang malong…araw at gabi.

        God Bless din!

        • January 21, 2010 12:50p01

          dito rin po unpredictable ang ulan. ngayon medyo maaraw naman but relatively di naman ganun kainit. teka lunch muna po ako… hehehe

          mamya bisita ako sa ‘yong bloghay po.

          ingat lagi Tay! 😀

  6. January 20, 2010 12:50p01

    tama po lagi tayong magpasalamat sa KANYA even for the trials sa ating buhay.

    inggit nman ako sa pagmamahalan nio, haiz. Ako kaya kelan ko matatagpuan ung tama pra sa akin:) hahaha nag emo dito (bawal magkalat)

    salamat po sa pagdaan sa bahay

    • January 20, 2010 12:50p01

      hehehe ok lang naman. basta let’s not forget lang na TRUE LOVE comes from Him. and i’m sure kung di man sya dumating ngayon, worth the wait sya ‘pag biglang lumitaw at i-sweep off ka your feet. di ba mas masarap yun?

      basta, grieve muna ngayon but not to dwell as much… and always think na mahalin ang sarili mo before whoever anyone else, especially him… sisi nya lang at iniwan ka nya noh! heheheh

      hug ka ni kuya… 😀

      • January 21, 2010 12:50p01

        salamat po…

        cge na nga mag let go na ako para maka move on..ako rin kasi ang nahihirapan kung patuloy akong bitter hehe…salamat po sa mga payo.
        Masaya ako at nagkaroon ako ng mga kaibigan dito sa blog na.

        • January 21, 2010 12:50p01

          tenks din! kaya dapat hapi hapi na tayo! new year new life begins with us! sayang lang wala ka dito kung magka-EB na by next week! DQ at pizza din yun hehehe (mainggit ba!)

          ingat ingats!

  7. January 20, 2010 12:50p01

    nikikilig ako kuya sa last na pasasalamat po, grabeh, ang sweet nyu naman! ( may halong kilig hehehe ).. you both deserved each other talaga, sana lalung tumagal yung samahan nyung mag asawa and sana maging strong kayu sa lahat ng pagsubok,lahat ng pasakit, at sa lahat lahat ng problemang dadating sa inyu.

    God Bless kuya and to your Family!

    • January 21, 2010 12:50p01

      salamat PD. sana rin bilang pasasalamat din syo ay i pray that you could already find what you’re looking for. hopefully this year na yun! 😀

      God bless din syo! ingats dyan! try ko dumalaw in a while hehehe

      • January 22, 2010 12:50p01

        ahaha, salamat kuya bong, hhmm, dadating din sya, baka na traffic lang! hehehe

        • January 22, 2010 12:50p01

          malamang… teka pa-GO lang natin lahat ng stoplights para dire-direcho sya dyan sa ‘yo… straight to your heart… naks ang emo!!!

          san si kaye? hu-hug muna ako para di masayang! hehehe 😀

          hi PD!

          • January 25, 2010 12:50p01

            naks, pag GO na, STOP na sakin! lol..

            sus, nangiinggit pa si kuya oh?! hehehe…

            Gud pm!! 🙂

  8. January 20, 2010 12:50p01

    sa mga prayers ko laging mas madami ang salamat kesa mga hinihiling hehe

    • January 21, 2010 12:50p01

      Hi Pinoy! first time mo po dito. Welkam!

      okay lang ganun na mas marami tayong pinasasalamatan. kasi yung mga maliliit na bagay na minsan di natin pansin ay blessings na rin! dont worry about the things you ask for. darating rin yun in time!

      salamat sa dalaw! bisita ka ulit ha!

      • January 26, 2010 12:50p01

        oo first time ko nga, salamat sa pag welcome sa akin! babalik ako dito sure yan hehe

  9. January 20, 2010 12:50p01

    (kakakilig naman!!!)

    kasalanan mo ito bongkitz! nilanggam ang computer ko! hehe.

    • January 21, 2010 12:50p01

      forgive me father for i have made you kilig to the bones! nyahahahha! haaaayy… ganun talaga fads e!

      teka fads alamin ko muna sino tatawagan ko para maalis yung langgam sa PC nyo. di ko kase alam kung dapat PC technician o Mapecon ang tawagan ko e. nyahahahah!

      kumusta ka dyan fads!

      • January 26, 2010 12:50p01

        hehehe ito, happy, healthy and handsome…

        congrats pala sa pagkanominate mo ng 100 most handsome pinoy bloggers…

        • January 27, 2010 12:50p01

          serious? ngek! pogi lang ako (i think!) sa mata ni Kaye po. sa kin ok na yun! mas maraming fafabol dyan na bloggers. but kung sino nag-nominate sa kin salamat!

          kayo fads nominated? 😀

    • January 21, 2010 12:50p01

      padz, lagyan niyo po ng palanggana na may tubig ang ilalim ng computer niyo tuwing bibisita sa bloghays nina kaye at bongkito. (toinks) Awts… hehehehe
      >>> napadaan lang po…..

      • January 22, 2010 12:50p01

        huy toks! ano balita na? teka para san yung planggana? heheheh! o kelan na tayo kitakits? fads, baka pede kayo sa biglaang pagluwas kahit 2 weeks. basta payagan kayo ni Bro ha? hehehe

        shoo langgamins shoo!!! 😀

        • January 22, 2010 12:50p01

          para hindi po makatawid ang mga langgam papunta sa computer ni padz. (Huwag lang sila magkaroon ng langgaMoses…)

          • January 26, 2010 12:50p01

            hahahaha. langgamoses, bago! bago! bumenta ang joke mo taribong! nice one!

            • January 27, 2010 12:50p01

              akshuwali, aliw nga ung name! naremind tuloy ako nung movie na Joe’s Apartment, ang feature naman dun puro ipis. nyahahaha!

              orig na orig! langgamoses! good one toks!

          • kaye permalink
            January 28, 2010 12:50p01

            hanggaling mo talaga magcoin ng salita, tarbs! hindi ka lang makata, wordsmith ka pa! hehehe

  10. January 22, 2010 12:50p01

    nakakatuwa naman at sa dami ng nangyayari sa buhay mo may pagkakataon ka pa ring magpasalat, nangangahulugan lang na masaya ka sa nangyayari sa buhay mo.

    • January 22, 2010 12:50p01

      yup kahit gano pa yan katagal or kaliit, salamat talaga dahil blessings yun sa kin. at salamat din sa pagdalaw ulit. at least dumadami na mga dablogkadas ko sa blogosperyo. tambay ka ulit minsan ha?

      *nakikipagkamay kay livingstain*

  11. January 22, 2010 12:50p01

    Kay Papa God tayo laging tatakbo, tiyak lagi syang may oras satin.
    diba napakasaya dami nating sumoporta kay ate kaye ko. 😀

    good luck po sa work mo kuya bongkits!!!

    GOD BLESS

    stay safe kayo ni ate kaye at kids

    • January 22, 2010 12:50p01

      always naman. salamat lagi sa concern kay ate kaye mo. kala ko nga makakadalaw ka sa st. luke’s no’n e. neways, pag nag DQ party na lang para mas masaya.

      thanks also for adding me up sa FB. tambay ka ulit jason ha? C Ya! 😀

  12. Mr. Nonsense permalink
    January 22, 2010 12:50p01

    nakakatawang mag-usap si kaye at bong…on-line chat pa raw. yan ba ang birth control nyo?

    • January 22, 2010 12:50p01

      heheheh di rin noh! talagang di na pede!!! pramis! si fafa jesse talaga o!

      hahaha!

  13. Dorm Boy permalink
    January 22, 2010 12:50p01

    Marami ngang dapat ipagpasalamat! The simple air that we breathe,to the people we meet!

    More blessing to you Kuya and Ate Kaye!

    • January 25, 2010 12:50p01

      tama ka d’yan Dorm Boy. and i thank you for being our friend too! sana dumalaw ka ulit soon!

      ngek serious masyado. hehehe dedmahin mo na lang. hehehe!

  14. January 23, 2010 12:50p01

    parang speech sa awards night hihi! ^^ pinaka gusto ko yung “lastly” hiyaaaa!!! ka tames!! haha nakakalanggam!! awwts!

    • January 25, 2010 12:50p01

      hala sige! manghihiram ako ng planggana kay taribong para iwas sa langgam. hehehe

      hi bon! salamat sa tambay ulit. i thank you! bow! 😀

  15. January 23, 2010 12:50p01

    honga kuya eh.. pang awards night ang speech na to panalo!!! hehehe. oha oha!! di ba? ang “lastly” ay kapatid ni “actually” na sinsabi ng mga artista? hahaha. artistahin pala si bongkito eh. have a nice day!! apir!

    • January 25, 2010 12:50p01

      ngek! di naman ako artistahin! *sabay namula ang face sa hiya* pero ang di ko kahihiya ay ang paalam sa lahat ng dablogkarda na ganun kahalaga si Kaye sa ‘kin.

      hehehe award speech ba ang dating? hehehehe! apir din syo! 😀

  16. January 26, 2010 12:50p01

    wow …salamat sa Diyos…marami nga syang blessings na binigay sa atin…

    …kaibigan, alam ko ang koneksyon ng pagkaligaw mo sa bluhaws ko…si Kaye!..ang masipag at magandang blogger…..

    Happy New Year sa iyo….

    • January 26, 2010 12:50p01

      happy ako to have visited you. sigurado na di yun ang huli. o dalaw ka lang ulit ha!

      maganda ba kamo? yup true ka dyan. yun lang ayaw nya maniwala na maganda s’ya. sabihan mo nga!

      see ya ulit blu! *kaway-kaway*

  17. January 26, 2010 12:50p01

    hayz ang bilis ng panahon, parang kelan lang nagpuputukan para sa bagong taon.. ngayon halos matatapos na ang january… tapos maya-maya lang biglang matatapos nanaman ang taon.. tapos putukan na ulet..

    add ko ‘tong site mo sa blogroll ko ah… hehe..

    =)

    • January 27, 2010 12:50p01

      honga. patapos na pala january. di mo nga pansin ang bilis ng panahon. sana lang maka-adjust agad ako dito sa bagong work ko lang.

      salamat sa tambay at sa pag-add po. kitakits ulit! 😀

  18. January 28, 2010 12:50p01

    ang cheesy…
    hanggang dito, nilalanggam ako. hahaha. 😀

    it’s your birthday pala. so belated happy birthday! 😀

    ang sarap magbasa ng mga positive post katulad nito. lalong lalo na yung nagpapasalamat. ako kasi, kadalasan, emo post eh. haha. though im struggling to focus on the brighter side.
    continue being bright! (anu daw?hahahaha) wala lang. 😀

    napadaan din 😀

    • January 29, 2010 12:50p01

      heheh salamat sa dalaw. of course kelangan lagi tayong positive. mas marami kasing negative sa mundo kaya mas ok nang makakita ng positibong outlook and rason para mas ma-enjoy ang buhay ng husto. ok lang mag-emo but maganda rin emo on the brighter side. iba ang high!

      o sya! dalaw ulit ha! bisita ulit ako syo one time.

      tawamat! 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: